Mga Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

8:00 n.u. -- PCU vs New Era

10:30 n.u. -- Opening ceremony

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

12:00 n.u. -- St.Clare vs Enderun

2:00 n.h. -- OLFU vs CUP

4:00 n.h. -- De Ocampo vs DLSAU

SISIMULAN ng St. Clare College-Caloocan ang pagdepensa sa korona at tangkang ‘three-peat’ sa pakikipagtuos sa Enderun Colleges sa pagbubukas ng 18th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) basketball tournament ngayon sa Cuneta Astrodome.

Nakatakda ang laro ganap na 12 ng tanghali matapos ang opening ceremony ganap na 10:30 ng umaga.

Inimbitahan bilang panauhing pandangal sina Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, Bureau of Correction head Gen. Ronald “Bato" de la Rosa at Melvin Contapay ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa.

Si NAASCU founding president Dr. Ernesto Jay Adalem ng St. Clare College-Caloocan ang magbibigkas ng welcome remarks, habang si NAASCU president Dr. Martha Beata Ijiran ng Philippine Christian University ang magdedeklara sa opisyal na pagbubukas ng torneo.

Kabuuang 15 koponan na hinati sa dalawang grupo ang sasabak sa torneo. Maagang magkakasubukan ang St. Clare at last year's runner-up De Ocampo Memorial College.

Sa pangangasiwa ni multi-titled coach Jino Manansala, nananatili ang St. Clare bilang liyamadong koponan sa kabila nang pagkawala nina two-time MVP Aris Dionisio at anim na iba pang key players bunsod ng graduation.

Mangunguna para sa Caloocan City-based Saints sina import Mohamed Pare, Irven Palencia at Junjie Hallare, kasama ang mga rookies na sina Joshua Fontanilla, Joseph Peñaredondo at Aeron Decano.

Matapos ang opening-day hostilities, magtutuos ang PCU at New Era University ganap na 8 ng umaga, habang magkakasubukan ang 2016 runner-up Our Lady of Fatima University at City University of Pasay sa alas-2 ng hapon bago ang pagtutuos anng De Ocampo kontra De La Salle-Araneta University ganapna 4:00 ng hapon.

Pangangasiwaan din nina SAP Go, Gen. De la Rosa at Contapay ang pormal na pagbibigay ng overall championship sa nakalipas na season at ang pagpapahayag nang tatanghaling Ms. NAASCU 2018. Narito ang komposisyo ng grupo.

Group A – St. ClareCollege, Our Lady of Fatima, Enderun Colleges, City University of Pasay, Philippine Merchant Marine School, Holy Angel University, Rizal Technological University and newcomer National Teacher’s College.

Group B – De Ocampo, St. Francis of Assisi College, PCU, AMA University, Manuel Luis Quezon University, New Era University and De La Salle-Araneta University.