MALAKAS na sinimulan ang kampanya ni National Master lawyer Bob Jones Liwagon tungo sa magandang pagtatapos para makopo ang korona ng executive division habang ipinamalas naman ni Srihaan Poddar ang kanyang husay sa Rapid competition para maibulsa naman ang titulo sa kiddies division sa katatapos na 2018 Alphaland National Executive (8th leg) at Kiddies Chess Championship na ginanap sa Activity Hall, Second Floor Alphaland Makati Place sa Malugay Street, Makati City nitong Sabado, Setyembre 8, 2018.

Ang Kidapawan City pride Liwagon na ang kanyang rango ay Captain at isa sa top players ng multi-titled Philippine Army chess team na nasa pangangalaga ni Army Judge Advocate (AJA) Colonel Maria Victoria Girao ay naipanalo ang tatlong nalalabing laro sapat para makaipon ng 6.5 points sa seven outings tungo sa pag poste ng one point lead kina second place Dr. Alfredo "Fred" Paez ng Cabuyao City, Laguna at 3rd place Rey Reyes ng Zamboanga City na may nakamadang tig 5.5 points.

Si Liwagon na dating pambato ng University of Sto. Tomas chess team ang naghari din sa six leg nitong Hunyo 30, 2018.

Tinangap ni Liwagon ang top purse P10,000 at trophy, naibulsa naman ni Dr. Paez ang runner-up prize P7,000 at trophy habang naiuwi naman ni Reyes ang P5,000 at trophy sa one day event, September edition na inorganisa ng Philippine Executive Chess Association (PECA) na suportado ng Alphaland Mall at sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) na ipinatupad ang 20 minutes plus five seconds delay time control format.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sina Engineer Arjoe Loanzon, Reynaldo Aba-A, National Council on Disability Affairs board member James Gamao-Infiesto, engineer Joseph Galindo, engineer Ravel Canlas ng Pagcor, Arman Subaste at Atty. Cliburn Anthony Orbe ay magkasalo naman sa 4th place na may tig 5 points habang nakapagtumpok naman sina Dr. Jenny Mayor at IT Manager Edwin Sison ng Vital C Health Products, Inc. ng tig 4.5 points.

Sa kiddies division ay nakapagtala naman ang 10-years-old na si Srihaan Poddar na Grade 5 pupil ng International School of Manila ng 6.5 points sa sa pitong laro tungo sa pagkamit ng top prize P3,000 at trophy.