Itinalaga kahapon sa bagong posisyon ang limang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP), sa atas ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde.

Epektibo simula kahapon, Setyembre 10, itinalaga si Supt. Gilberto DC Cruz bilang regional director ng Police Regional Office (PRO)-13, kapalit ni Chief Supt. Noli Romana, na itinalaga naman bilang bagong deputy ng Directorate for Integrated Police Operations for Eastern Mindanao (DIPO-EM), ayon kay PNP spokesperson, Senior Supt. Benigno Durana Jr.

Simula naman ngayong Martes, Setyembre 11, magiging acting regional director ng PRO-9 si Chief Supt. Emmanuel Luis Licup, bilang kapalit ng nagretirong si Chief Supt. Billy Beltran.

Ang bakanteng posisyon namang iniwan ni Licup bilang regional director ng PRO-4B ay mapupunta kay Chief Supt. Tomas Apolinario Jr.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Habang ang puwesto ni Apolinario bilang district director ng Southern Police District (SPD) sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ay uupuan ni Senior Supt. Eliseo DC Cruz.

Ayon kay Durana ang hakbang ay bahagi ng kanilang “continuing commitment to ensure that we put the right people on the right job.”

-Martin A. Sadongdong