PVF technical officials, tatrabaho sa Batang Pinoy
NI EDWIN ROLLON
OPISYAL ng Philippine Volleyball Federation (PVF) ang mangangasiwa sa technical management ng volleyball event sa gaganaping Philippine Sports Commission-Batang Pinoy National finals sa Setyembre 15-21 sa Baguio City.
Ang kaganapan ay isang tapik sa balikat para sa adhikain ng asosasyon na muling makamtam ang pagkilala mula sa Philippine Olympic Committee (POC).
"We are happy to announce that the PVF is once again allowed to fulfill its mandate in the grassroots development of volleyball. This is one big step towards regaining our recognition as a working national sports association," pahayag ni PVF president Edgardo “Tito Boy” Cantada.
Muling kinilala ang kaalaman ng PVF sa aspeto ng technical sa pagsasagawa ng volleyball event bunsod nang nagkakaisang pananaw matapos ang pagpupulong nina PVF sec-gen Gerard Cantada, managing director Rustico Camangian at PSC executive director Atty. Guillermo Iroy.
"By allowing the PVF to participate in the officiating and conduct of volleyball in the Batang Pinoy, our association gets its long overdue recognition as a working NSA,” sambit ni Cantada/
Nauna rito, ang Davao Volleyball Association na pinamumunuan ni D’Artagnan Daks Yambao, affiliated group ng PVF, ang gumagabay din sa pagsasagawa ng 2nd PSC Inter-Public Schools Volleyball Tournament na kasalukuyang ginaganap sa Davao City National High School.
Iginiit ni Cantada na isang malaking karangal sa PVF na mapagsilbihan ang kabataang Pinoy at maisulong ang tunay na programa para sa kaunlaran ng sports.
"We look forward to meeting the new friends we've made under the PVF's own program."
Sa pamamagitan ng ayuda nina PVF chairman Mikey Arroyo at Tanduay Sports, nalibot na ng asosasyon ang pinakaliblib na nayon sa mga lalawigan sa bansa para magkaloob ng tulong at suporta sa mga kabataan.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 50,000 volleyballs at nets ang naipamigay ng PVF sa mga eskwelahan. “So that even athletes from far flung areas will learn the basics of volleyball,” aniya.
"We'll meet again, in Baguio City, and there they will see how the PVF conducts a good volleyball competition," sambit ni Cantada.
Ang kaganapan ay bahagi rin ng repormang isinasagawa ng PSC upang higit na mapalawak ang kaalaman ng sambayanan sa Batang Pinoy.
“The PSC has been here 28 years, we have been doing Batang Pinoy for over a decade, I think it’s time we upgrade our delivery and procedures to go with the developments in technology and the way communication is shared in this age,” pahayag ni PSC Chairman William Ramirez.
“I do not discount the use of the trusty paper and pen combo but we have to take advantage of technology and also align ourselves with our youth, after all this project is for them,” aniya.
“We want the uninterested public to be interested. We want the public to know they are part of this. The community should be involved. We will provide them information so they know when and where they could go to watch and cheer their relatives, friends and neighbors.”
Kabuuang 7,000 atleta, coach, opisyal at supporting secretariat ang makikiisa sa Batang Pinoy na nakatakda sa Setyembre 15-21 sa Baguio City at karatig na lalawigan ng Benguet.