SA kabila ng sunud-sunod na taping ni Ken Chan para sa bago niyang Afternoon Prime drama series na My Special Tatay, ay hindi nalilimutang dalawin ng binata ang amang naka-confine sa ospital dahil sa stage 2 cancer. Kahit busy siya sa taping schedules, todo-alaga pa rin si Ken sa ama.

“Sinasamahan ko po ang tatay ko sa ospital, ako ang nagpapakain sa kanya, naghahanda ng pagkain para sa kanya. Ako lahat, parang ako ‘yung nurse niya, ako ‘yung doctor niya,” sabi ni Ken.

“Mas gusto ko pong gawin iyon para sa tatay ko, gusto kong makita na kumakain siya. Siya po ang inspirasyon ko para mas maganda ang performance ko bilang si My Special Tatay.”

This week, papasok na ang character ni Ken bilang si Boyet, na may mental disability. Napanood sa trailer ang ilang eksena ni Ken na kinukutus-kutusan ng mga taong hindi alam kung bakit siya ganoon.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Sa ngayon ay hataw sa pag-aaway sina Empress Shuck bilang si Isay, ang nanay ni Boyet at si Valeen Montenegro, bilang si Olivia, ang stepmother ni Boyet (Ken) sa serye. Labanan sa husay ng acting ang dalawa, si Isay ay hindi nagpapatalo sa katarayan ni Olivia. Pagtanda ay magiging si Lilet si Isay habang si Olivia naman ay magiging si Teresa Loyzaga.

Samantala, hindi naman magkamayaw ang fans ni Ken sa kapo-post dahil excited na silang mapanood kung paano gagampanan ni Ken ang role ni Boyet, lalo na kapag naging tatay na siya sa istorya.

Sa direksyon ni LA Madridejos, thankful ang lahat ng cast at staff dahil sa first week pa lang advoca-serye ay nagtala na ito ng mataas na ratings laban sa katapat nilang afternoon program.

Mapapanood ang My Special Tatay, mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng The Stepdaughters.

-Nora Calderon