ANG bongga ni Heart Evangelista!

Heart copy

Naimbitahan siya sa ICON party ng Harper’s Bazaar sa New York. Matatandaang nakasama si Heart sa cover ng Harper’s Bazaar sa feature ng magazine sa sa cast ng Crazy Rich Asians.

Sa kanyang pagdalo sa nasabing party, na-feature si Heart sa Metro Style, at ang caption sa kanya: “@iamhearte makes it to @harpersbazaarus list of all the best looks from their ICONS party alongside #BellaHadid #KendallJenner and #AdrianaLima.”

'Angel Locsin' nagpasalamat sa mga nakaka-miss na sa kaniya

Tinukoy ng magazine ang tatlong kilalang modelo na sina Bella Hadid, Kendall Jenner, at ang Victoria’s Secret Angel na si Adriana Lima.

Black gown na gawa ng Filipino designer na si Mark Bumgarner ang suot ni Heart sa party, kung saan nakasama lang naman niya ang mga sikat na models.

Habang nasa New York, nag-attend din si Heart ng fashion shows para sa New York Fashion Week. Mukhang habang wala pa siyang project sa GMA-7 ay rampa at awra muna ang pinagkakaabalahan ni Heart.

-Nitz Miralles