SA pagharap kamakailan ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa entertainment press regarding her plans for the country’s film industry, natanong ni Yours Truly ang tungkol sa pagsasapelikula ng buhay ng gobernadora.

“Ms. Imee, kung isasapelikula ang life story mo, sino sa mga artista natin ang gusto mong gumanap, at sino ang gusto mong maging leading man?”

“Naku, ang hirap naman isipin niyan. Talaga namang napakahirap isipin,” sagot ni Gov. Imee habang hindi nawawala ang pagkakangiti.

“Huwag muna, hindi pa ako patay, eh. Ha, ha, ha! Pero teka, sino nga ba sa mga artista ang kamukha ko? Ha, ha, ha! Sa leading man, siguro ‘yung tatlo kong anak.”

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

At dahil close ang Superstar na si Nora Aunor sa pamilya Marcos noon pa man, matutulungan ba ng gobernadora na maigawad na kay Ate Guy ang National Artist Award?

Inamin ni Gov. Imee na dismayado siya na hanggang ngayon ay hindi pa kinikilala si Nora bilang National Artist, at nabanggit din niya ang pangalan ni Mang Dolphy.

Pero kung ang gobernadora ang tatanungin, mas gusto raw niyang ibigay muna ang nasabing award kay Ate Guy. Willing daw siyang i-push ito sa Malacañang.

“Siyempre may personal favorite ako, dahil ang Himala sa Ilocos ng ECP (Experimental Cinema of the Philippines). Na siya mismo ang naging producer. Kaya hindi nila ako tinatanong dahil medyo biased ako diyan,” nakangiti niyang pahayag.

Si Gov. Imee ang director-general ng ECP, na nag-produce ng mga klasikong pelikulang Pinoy, tulad ng Himala, Oro, Plata, Mata, Soltero at Misteryo sa Tuwa.

Ang pamilya Marcos ang unang nagtatag ng Manila International Film Festival, na dinaluhan ng mga sikat na Hollywood stars like Brooke Shields. Actually, that time ay pinuntahan pa ni Yours Truly ang hotel room ni Brooke sa ngayon ay Hotel Sofitel na, at ininterbyu ang Hollywood actress, complete with photo op, siyempre!

-MERCY LEJARDE