BEIJING (Reuters) – Isasara na ng health commission ng China ang tatlong opisina nito na dating nakaalay sa family planning, ipinahayag noong Linggo, ang huling senyales na babawasan na ng Beijing ang restrictions sa childbirth para malabanan ang tumatandang populasyon.

Nagpahiwatig ang state-media nitong mga nakalipas na linggo na maaaring naghahanda na ang China, ang world’s most populous nation, na wakasan ang ilang dekadang polisiya ng pagtatakda sa bilang ng magiging anak ng mga mag-asawa.

Inalis ang tatlong opisina na responsable sa grassroots implementation ng family planning policies sa bagong istruktura ng National Health Commission ng China, ayon sa pahayag mula sa komisyon.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina