NAGSANIB puwersa sina Arvin Tolentino at Jasper Parker upang pamunuan ang Far Eastern University sa pagposte ng una nilang kampanya nitong Linggo sa UAAP Season 81 Men’s Basketball Tournament.

Inunsiyami nina Tolentino at Parker ang tangkang paghabol ng De La Salle sa huling apat na minuto ng kanilang laban upang maiposte ang 68-61 panalo ng Tamaraws sa larong idinaos sa MOA Arena sa Pasay.

Huling lumamang ang Green Archers matapos ang basket ni Santi Santillan papasok sa huling apat na minuto ng laban bago inagaw ng Tamaraws ang bentahe sa pamamagitan ng triple ni Tolentino.

“Mahirap talaga kalaban ang La Salle. I like our improvement from last year and hopefully, tuloy-tuloy na,” pahayag ni FEU head coach Olsen Racela.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Tumapos si Tolentino na may 13 puntos at 4 na rebounds habang nag-ambag naman si Parker ng 5 puntos, 6 rebounds, at 3 assists para sa Tamaraws na nakakuha din ng 11 at 10 puntos kina Ken Tuffin at Axel Iñigo, ayon sa pagkakasunod.

Naging top scorer naman para sa nabigong Green Archers si Santillan na may 19-puntos at 10-rebounds kasunod si Aljun Melecio na may 11 puntos.

-Marivic Awitan