HANDA na ang Filipino-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) para sa pagdepensa ng dalawang division title sa pagsabak sa 27th ASEAN Veterans Basketball Tournament simula ngayon sa Hat Yai, Thailand.
Pangungunahan nina Rain or Shine co-team owner Terry Que, Ironcon Builders Jimi Lim, Freego’s Eduard Tio at Johnny Chua ang delegasyon ng bansa.
Kumpiyansa sina Que at Lim na mapapanatili nila ang korona sa 60-and-above at 65-and-above titles sa taunang torneo na nagtatampok sa mga players na Chinese descent.
“I think we are still capable extending our reign,” sambit ni Que.
Bukod kina Lim at Que, ang mga miyembro ng 65-and-above team ay sina dating Crispa enforcer Bong dela Cruz, MICAA player Zotico Tan, Johnny Chua, James Chua, Sonny Co, Antonio Go, Conrad Siy, Eddie Yap at Achit Kaw.
Mangunguna naman sa 60s team sin dating San Miguel star Elmer Reyes, Crispa’s Noli Banate, ex-University of the East star Julio Cruz at dating La Salle star Kenneth Yap.
Kasama rin sina Danilo Ching, Aries Franco, Andrew Ongteco, Danny Co, Jose Lao, Elmer Latonio at Ramon Mabanta.
Hindi naman nagpadala ng lahok ang bansa sa 50-and-above kung saan defending champion din ang Pinoy.