PARIS (AFP) – Pitong katao ang nasugatan kabilang ang dalawang turistang British sa Paris nitong Lingo ng gabi sa pagwawala ng lalaking armado ng patalim, isang nakakapangilabot na pag-atake na sinikap ng bystanders na pigilan sa pammaagitan ng pagbato ng petanque balls sa salarin.

Apat sa mga biktima ang nasa kritikal na kondisyon, sinabi ng pulisya, matapos magwala ang lalaking nagwawasiwas ng mahabang patalim at iron bar sa tabi ng canal sa hilagang silangan ng kabisera.

Arestado na ang suspek, pinaniniwalaang Afghan national, sinabi ng source na malapit sa imbestigasyon, idinagdag na tinarget nito ang “strangers” ngunit “nothing at this stage shows signs of a terrorist nature”.

Sumiklab ang kaguluhan sa pampang ng Bassin de la Villette, isang sikat na pasyalan ng mga lokal at turista na madalas sa cafes, cinemas at iba pang cultural venues sa pampang, dakong 11:00pm (2100 GMT).

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Inilunsad na ang police investigation para sa attempted murder.