PYONGYANG (AFP) – Libu-libong tropang North Korean na sinusundan ng artillery at mga tangke ang nagparada sa buong Pyongyang nitong Linggo sa pagdiriwang ng bansang armado sa nuclear ng ika-70 kaarawan nito, ngunit nagpigil sa pagpapakita sa intercontinental ballistic missiles na naging dahilan ng pagpataw ng sanctions dito.

Ang hindi maitatangging kawalan ng mga missile sa parada ay umani ng papuri kay US President Donald Trump na tinawag itong ‘’a big and very positive statement from North Korea.’’

‘’Thank you To Chairman Kim. We will both prove everyone wrong!’’ tweet ni Trump. ‘’There is nothing like good dialogue from two people that like each other! Much better than before I took office.’’

Ginamit din ni North Korean leader Kim Jong Un ang parada para ipakita ang pagkakaibigan nila ng China, itinaas ang kamay ng kinawatan ni President Xi na si Li Zhanshu, isa sa pitong miyembro ng Politburo Standing Committee ng Chinese Communist party, habang magkasama silang nagsasaludo sa madla kalaunan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang Democratic People’s Republic of Korea (DPRK), opisyal na pangalan ng North, ay iprinoklama noong Setyembre 9, 1948, tatlong taon matapos hatiin ng Moscow at Washington ang peninsula sa pagitan nila sa mga nalalabing araw ng Second World War.

Ipinadala ang diplomatic invitations para sa anibersaryo sa buong mundo, ngunit tanging ang head of state na dumalo ay si Mauritanian President Mohamed Ould Abdel Aziz – gayunman naispatan ng AFP ang French actor na si Gerard Depardieu na nakaupo sa ibaba ang main tribune.

Sa kabila ng kawalan ng missiles, may ilang bagay na hindi nagbago.

Karamihan ng mga tangke at iba pang sasakyan sa parada ay may nakakabit pa ring slogan sa harapan na: ‘’Destroy the US imperialist aggressors, the sworn enemy of the DPRK people!’’