MANDAUE CITY – Lumapit sa inaasam na pedestal ang batang si Jim Paul Dignos ng Omega Team Cebu matapos makalusot tungo sa semifinal round ng Philippine Sports Commission PSC- Pacquiao Amateur Boxing Cup kahapon sa Mandaue Sports Complex dito.

Wagi sa pamamagitan ng Referee Stop Contest (RSC) sa huling 1:13 ng second round si Dignos matapos na kusang umatras ang kanyang kalaban na si Eduardo Luceno Jr. Ng Escalante Negros Occidental.

Ayon kay Dignos nais niyang patunayan sa kanyang mga magulang na siya ay isang tunay na lalaki, gayung dapat sa kanyang apat na kapatid ay nabibilang sa gay community.

“Siyam po kami. Apat na babae tapos, limang lalaki perro yung mga kapatid ko mgabayot,” masayang kuwento ng 17-anyos na si Dignos.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Sabi ko po sa tatay ko, wag siyang mag mag-alala kasi lalaki po ako. Kaya po naisipan ko mag boxing,” ayon sa Grade 10 student ng Don Waldo National High School ng Mandaue.

Sanay sa bakbakan si Dignos na nauna nang sumabak sa Batang Pinoy 2016 Antique kung saan nakakuha siya ng bronze medal.

Ngayon ay hangad niya na makasungkit din ng medalya sa paglalaro sa semifinal round na kasalukuyang nagaganap habang sinusulat ang balitang ito.

Samantala pasok sa semifinal round ang magkapatid na pambato ng Sultan Kudarat sa kani-kanilang mga weight categories.

Sina Joven At Jobert Paala ay nagwagi sa kani kanilang mga labanan .

Ang 17-anyos na si Joven at pinakabata sa dalawang Paala, ay nagwagi via unanimous decision (5-0) kontra sa pambato ng Camarines Norte na si Jeyron Tiger Villamor, upang makasiguro ng slot sa semifinal round.

Si Jobert na 18-anyos naman ay nagwagi via Referee Stop Contest (RSC) sa huling 1:52 ng ikatlo at huling round matapos na sumuko sa laban si Johnro Taneo ng koponan ng CCSI (Cebu).

Sa iba pang resulta, nakasiguro naman ng silver medals ang pamangkin ni Elmer Pamisa na si Elaide Pamisa ng Cagayan de Oro sa youth girls light flyweight 45-48kg matapos na dominahin si kay Jean Raciel Boloy ng General Santos city (5-0).

Bukod kay Pamisa nakasiguro din ng silver medal sina Mary Nicole Llamas ng Cebu at Arla Iya Chalks ng Baguio City.

Pinataob ni Llamas si Janine Hazel Pangod ng Baguio City sa RSC sanhibng injury sa youth girls flyweight 51kg.

Habang si Chalis naman ay nagwagi matapos na madisqualify sa laro ang kalaban nitong si Angel Kapawan ng GenSan.

-Annie Abad