WELL represnted ang political at showbiz world sa 50th birthday celebration ni Senator Grace Poe, na ginanap sa White Space Manila in Makati City.

Sen. Grace, Susan at mga bisita

Ang nasabing birthday celebration ay sponsored ng nanay ng senadora, ang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces.

Sa speech ni Senator Grace, pinasalamatan niya ang teleseryeng FPJ’s Ang Probinsiyano, dahil isa sa cast nito ang nanay niya kaya may trabaho ang huli at nakapag-sponsor pa ng birthday party para sa kanya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Gaya ng ipinangako, dumalo sa party si Martin Nievera, na dumating from the US the morning ng party, kaya hindi binigo ng singer ang birthday celebrator.

Kumanta rin sa okasyon ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Dumalo rin ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, at naroon din si Heart Evangelista-Escudero.

Ang sweet naman ni Lovi Poe sa ipinost niyang message para sa kanyang Ate Grace, na naging father figure raw niya simula nang yumao ang kanilang ama.

“It’s so true what they say that death ends a life, not a relationship. When Papa passed away you became my father figure, big sister even if I was shying away from it. I may not say it often or show it but you filled the gaps in my life only you can. Happy birthday Ate, I love you,” saad sa birthday greeting ni Lovi sa kapatid.

Binilisan naman ni Coco Martin ang taping nila sa Ang Probinsiyano para makapunta sa party ni Senator Grace. Kasama niyang dumating ang iba pang cast ng serye, ang mag-amang Lito at Mark Lapid.

Kabilang din sa mga dumalo si Albert Martinez, at ang ABS-CBN execs na sina Charo Santos-Concio at Carlo Katigbak. Naroon din sina Eric Quizon, former Senator Jinggoy Estrada, at Senate President Tito Sotto with wife Helen Gamboa.

Umuwi rin ang panganay ni Senator Grace na si Brian Llamanzares from New York, kung saan nag-aaral ang binata.

Sa isang video, ipinakita ang clips ng wedding ni Ms Susan sa yumaong si Fernando Poe, Jr., at musical background ang Daigdig Ko’y Ikaw, gayundin ang mga baby pictures ni Senator Grace.

-Nora V. Calderon