Catriona Gray copyPINAG-USAPAN sa social media ang naging pagrampa ng pambato ng bansa sa 2018 Miss Universe na si Catriona Gray sa 2018 New York Fashion Week. Isa itong karangalan para kay Catriona, bagamat hindi pa nagsisimula ang laban niya sa pinakaprestihiyosong pageant sa mundo.

Kabilang si Catriona sa mga naimbitahan ng New York Fashion Week para rumampa sa latest collection by Sherri Hill na agad namang pinaunlakan ng beauty queen.

Ang Sherri Hill ang isa sa mga official sponsors ng Miss Universe Organization.

Dati nang inabangan ang pagrampa ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa New York Fashion Week, pero wala nang balita kung natuloy ito.

Ogie Diaz, pinayuhan ang BINI na 'wag nang mag-Jabbawockeez ulit

Malapit na ang Miss Universe 2018 beauty pageant, na gaganapin sa Bangkok,Thailand sa December 17, at isa sa strong contender at early favourite si Catriona.

-ADOR V. SALUTA