MUNTIK nang magpang-abot ang dalawa sa pinakasikat na rapper/hip-hop artists ng Amerika, matapos ang mainit na komprontasyon sa pagitan ni Nicki Minaj at Cardi B sa ginanap na New York’s Fashion Week.

Cardi-B-and-Nicki-Minaj

Kumalat sa Twitter at YouTube ang video ng dalawang rapper, habang nasa balkonahe ng ikalawang palapag sa itaas ng red carpet event nitong Biyernes na pinaghihiwalay ng mga security guard habang minumura ni Cardi B ang karibal bago batuhin ng sapatos.

Iniulat namang hindi nasaktan si Nicki. Ngunit mapapansin sa mga larawang lumabas ni Cardi B na may malaking bukol sa itaas ng kaliwang mata. Ayon sa Variety website, siniko ng isa sa mga guard ni Nicki ang rapper nang magkagulo.

'Sexy pero classy!' Janine Gutierrez, calendar girl na rin

Bagamat hindi kinumpirma kung sino ang nagsimula ng gulo, iniulat ng TNZ na inakusahan ni Cardi B, ang first female rapper na nakakuha ng multiple No. 1 songs sa Billboard Hot 100 chart, si Nicki, isa sa best-selling musical artist, nang pagkakalat ng “lies” tungkol sa kanya.

Sa kasunod na Instagram post ng 25-anyos nasi Cardi B, inirereklamo niya—bagamat walang binanggit na pangalan— ang kanyang karibal na “had gone too far” ng batikusin umano ang qualities ni Cardi B bilang isang ina. Matatandang nanganak ang rapper nitong Hulyo sa kapwa rapper na si Offset.

Lubos na sumikat si Cardi B sa US musical world nitong nakaraang taon ng i-release niya ang kanyang kanta na Bodak Yellow, mula sa kanyang nakaraan bilang isang strip-tease dancer.

Nakapagbenta naman ang 35-anyos nasi Minaj ng mahigit limang milyon album worldwide at nanalo ng 10 Grammy nominations.