Magandang balita para sa mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs), at mga buntis dahil bukod sa mga field office ng Commission on Elections (Comelec) ay maaari na uling magparehistro at makaboto sa mga mall para sa eleksiyon sa Mayo 13, 2019.

Ayon sa Comelec, muling ibinalik ang mall satellite registration activities sa buong bansa, alinsunod sa Resolution No. 10417.“Holding registration activities in malls have always been appreciated by the public. It makes the process more accessible and comfortable for them. Senior citizens and PWDs are especially benefited because waiting in malls is typically less stressful,” ani Comelec Spokesperson James Jimenez.Ayon kay Jimenez, bago inisyu ang naturang resolusyon, na may petsang Setyembre 5, 2018, idinaraos lang ang satellite registration activities sa mga barangay hall.

Kaugnay nito, maglalaan din ang Comelec ng express lane para sa matatanda, may kapansanan, at buntis sa nasabing mga aktibidad.

Hanggang Setyembre 29 na lang tatagal ang voters’ registration.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

-Mary Ann Santiago