SA pocket presscon ni Vina Morales nitong Martes para sa 20th anniversary ng Ystilo Salon ay inamin niyang may nagpaparamdam sa kanyang mas bata, na artista rin.
“Pa-text-text, much younger,” napangiting kuwento ni Vina, na ikinaloka ng lahat dahil very millennial nga kung ikukumpara sa edad niya.
“Kaibigan lang talaga for me. Hangga’t maiiwasan ko, iiwasan ko, lalo na ‘pag artista. Kasi siyempre dumaan na ako diyan (nagkaroon ng boyfriend na showbiz).
“Para sa akin kasi kung gusto ko ng seryoso, tapos younger pa, artista? Siyempre ang daming temptation niyan, eh. Dumaan ako sa ganyang times na during taping days, you’re always together, made-develop ka mga ganyan. So, pero mababait naman talaga sila.
“Siguro for me, baka lang type nila ako kasi trip lang nila, you know? So, I’m really careful kaya mas gusto ko ang hindi showbiz. A little bit younger medyo okay lang sa akin, pero ‘yung sobrang malaki ang agwat…” sabi ni Vina na sinundan ng iling.
May nagbiro tuloy na katoto: “Ano, May-December affair, o kaya ikaw pa ang bumuhay sa kanya at mahingi ang isang Ystilo branch mo?”
Speaking of Ystilo, magdiriwang ang chains of salon ni Vina ng 20th anniversary ngayong Setyembre 8. Laking pasalamat ng singer-ctress na sa kabila ng mga nagsulputang salon ngayon na masasabing high-end ay hindi pa rin sila nawawalan ng customers.
Umabot na sa mahigit 20 branches all over the country ang Ystilo, at ang mga ito ay nasa Mall of Asia; Shoppesville Greenhills; SM City San Lazaro; Festival Mall; Nepo Mall Dagupan City; Tanauan City, Batangas; SM City Tarlac; SM City Calamba; Robinson’s Place; Lipa City; Abreeza Mall Davao; Iba, Zambales; Angeles Pampanga; SM City Sta. Rosa; Limketkai sa Cagayan de Oro City; One Magnolia Place sa Balanga, Bataan; SM City GenSan; Waltermart sa San Fernando, Pampanga; Citymall sa Koronadal; One Legazpi Place sa Tuguegarao; Island Citymall sa Bohol; Manaoag Pangasinan; at soon to open ang Ystilo Salon sa Sta. Lucia sa Cainta, at sa Marquee Mall Dagupan.
Si Vina at tatlo pa niyang kapatid na sina Sheila, Sheryl at Shaina Magdayao ang may-ari ng Ystilo.
“Karamihan franchise at most of our franchisee, may dalawa (branches) sila, may dalang tao (staff) at mag-o-open kami soon. At kapag may opening, talagang pinupuntahan ko talaga, nag-iikot ako,” sabi ni Vina.
“Pag M-W-F taping ko (Araw-Gabi), tapos ‘yung T-TH-S nag-iikot.”Buong pagmamalaki ring nabanggit ni Vina na halos lahat ng staff nila ay matatagal na, ay ‘yung umabot na sa 20 years ay nasa opisina na nila naka-assign.
“Sila (sabay turo sa staff), matatagal na sila. Ako naman, siyempre ako ‘yung front. Ako ‘yung sa marketing, so it really help a lot, lalo na si Shaina nandiyan din. Pero mas hands on sina Ate Sheila kasi sila talaga ‘yung behind all of these,” say pa ng aktres.
Tig-50% daw sina Vina at Sheila, samantalang franchisee naman sina Shaina at Sheryl.
“And she (Sheila) makes sure na lahat ng staff sila talaga ‘yung nakatingin sa lahat, kasi ako hindi ko kakayanin. That’s why thankful kami kasi matatagal na rin sila (buong staff) sa amin and they’re really giving their best and it’s a teamwork, hindi mo kakayanin talagang mag-isa,” pahayag pa niya.
At in fairness, sa 20 years ng Ystilo ay hindi pa ito nasangkot sa gulo o nabalitaang may customer na nagreklamo dahil may pagkakamali sa hair treatment.
“Oo nga, thank God walang mga ganun kalaking problema. Of course lahat naman ng business mayroong mga problema, or mga pinagdadaanan, and thankful kami na hindi umaabot sa mga big issues when it comes to services.
“At saka ‘pag mayroong maliliit na problems, naaayos kaagad. Ang gumagawa no’n ‘yung (tao) sa Ystilo office,” paliwanag ni Vina.
Tinanong namin kung anong klaseng mga problema ang madalas na nae-encounter ng customers nila.
“Siyempre hindi maiiwasang magkaroon ng allergies, even though tatanungin mo kung may allergies, sasabihin nila wala, kasi hindi rin nila alam kung ano ba talaga. I think maybe on that day, medyo sensitive ‘yung scalp nila (‘pag nagpapakulay). Ganun lang talaga, small problems, naaayos kaagad.”Kuwento pa ni Vina, ang forte ng kanyang salon ay hair coloring, hair straightening, at tuwing anibersaryo nito ay nagbibigay sila ng malaking diskuwento sa iba’t ibang serbisyo: hair coloring at rebond 30% for standard and premium services (Sept 8-Oct 30); hair color & rebond standard services 50% (Sept 18, 19, at 20); at hair treatment 20% (Sept 8-Nov 30).
Inamin din ni Vina na may mga clients na nagre-request na kung puwede na siya mismo ang mag-make up sa kanila.
“Yes, marunong talaga ako. Ako I do my own make-up, minsan may nandito ako (salon) tapos may client kami, nire-retouch ko, natutuwa naman sila. Pero gumagawa talaga ako. I do my own hair, I do my own make-up, marunong din akong maggupit. Hindi ako nag-aral, I think natutunan ko na. Si Ate Sheila ang marunong talaga.
Samantala, dahil 43 na si Vina sa Oktubre 17 ay tinanong namin kung kumusta ang puso niya, dahil puro na lang siya work nang work.
“Honestly, wala. Paano, eh, wala nga,” tipid na sagot ng aktres.
Pero inamin ng Mama ni Ceana, na nine years old na ngayon, na gusto pa rin niyang magkaanak. Sa katunayan ay may pina-freeze siyang egg cells niya sa ibang bansa.
“Oo, suwerte ako, I was able to save seven, healthy siya. Pero ‘yung pangalawa wala, hindi siya healthy.
“Hindi ko pa masyadong inaaral, sa akin lang, I have to save. Ako, puwede pa naman ako (mabuntis) it’s just that, maybe in the future. Basta at least meron akong na-save gusto ko lang talaga may healthy eggs.
“Sinasabihan ko na rin si Ceana na gusto ko na rin magka-baby. Gusto ko nang iparamdam sa kanya na I also want to have another kid. Tumatawa lang, hindi siya ‘yung nagsasabi na, ‘Oo, Mommy, I want, I want.’ Hindi siya super excited.
“Siyempre nasanay na siya na siya lang for nine years, lahat ng atensiyon ko (sa anak). But in the meantime, the search for the one is on. ‘Yun nga lang wala pa, wala pa akong partner,” tumatawang kuwento ni Vina.
-Reggee Bonoan