Laro Ngayon

(MOA Arena)

2 pm UP vs.UE

4 pm NU vs.UST

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sisimulang panindigan ng University of the Philippines ang pagkakatalaga sa kanila bilang isa sa mga pre-season favorites dahil sa pinalakas nilang line-up sa pagsabak nila ngayong hapon kontra University of the East sa pambungad na laro sa pagbubukas ng UAAP Season 81 men's basketball tournament.

Ganap na 2:00 ng hapon ang salpukan ng Maroons at Red Warriors matapos ang inaasahang magarbong opening rites na pamumunuan ng season host National University na iinog sa tema ng selebrasyon ngayong taon na "It all begins here" at tiyak ding mag-uukol ng kaukulang pagkilala sa namayapang dating UAAP Athlete of the Year at Olympian na si Ian Lariba ng De La Salle.

Inamin ni UP coach Bo Perasol na inaasahan na nilang itatalagang contender ang Maroons dahil sa ginawa nilang rebuilding na nagsimula pa noong nakaraang season ng kunin nila si dating University of Perpetual slotman Bright Akhuettie. At handa silang harapin ang hamon ng estado nila ngayon.

"We anticipated this. In fact, we planned this. In everything we improved on, expectations are really high. The pressure will always be there and we would want to embrace that as part of our growing, as part of us succeeding. I don’t know where we're going, but the mere fact that people are trying to pressure us means that we are stronger now," wika ni Perasol. "Before, I don’t think people are expecting UP to win. This time, we’re happy and we’re up for it."

Kabaligtaran naman ang sitwasyon sa panig ng kanilang katunggali. Magkagayunman, sinabi ng bagong head coach ng Red Warriors na si Joe Silva na sisikapin nilang patunayang kabilang sila sa liga.

“For this year, expectations are low. Nobody expects us to really contend or compete for a Final Four slot. We just want to take it one game at a time but of course we want to prove that we belong in the UAAP,” pahayag ni Silva.

“Well, to tell you honestly among all the other teams, kami siguro ‘yung isa sa madaming nawala. But no excuses, we’re going to try to compete, we’re going to try to at least sneak in some wins,”dagdag pa nito.

Sa tampok na laro sa pagitan ng National University at University of Santo Tomas ganap na 4:00 ng hapon, bagamat nawala sa radar ng mga katunggali matapos di payagang maglaro para sa kanilang koponan ang US NCAA veteran na si Troy Rike, kumpiyansa pa rin si Bulldogs coach Jamike Jarin na kayang manggulat ng kanyang team ngayong season.

"We're gonna play with a lot of heart and we're gonna give a scare to the entire UAAP season," pahayag ni Jarin na umaming may personal syang pressure na maihatid ang NU Bulldogs sa finals.

Misyon namang makaahon mula sa naitalang pinakamababang pagtatapos ng koponan noong isang taon (1-13), mula ng ilunsad ang Final Four, ayaw bigyan ng pressure ni bagong UST coach Aldin Ayo ang kanyang sarili at ang Tigers sa kung ano ang kanilang kahihinatnan.

"Gusto lang namin mangyari mag-compete lang mag-compete hanggat sa makakaya namin. Ayaw namin maging conscious na after this season ano 'yung ma-achieve namin. We just want to do our best,” wika ni Ayo na inaming magiging mahirap ang kanilang kampanya na tinagurian niyang "Hail Mary season".

-Marivic Awitan