SA mediacon ng Abay Babes sa Le Reve Events Place nitong Huwebes ng tanghali ay hindi masyadong natanong ng entertainment press/bloggers si Cristine Reyes tungkol sa balitang hiwalay na sila ng mister niyang si Ali Khatibi.

Cristine copy

Sa pasundot-sundot na tanong kung kumusta na sila ng mister, sumagot si Cristine: “Okay naman po, tahimik naman po ang buhay ko. Maayos naman ang lahat.”Inabangan si AA (palayaw ni Cristine) ng print media pagkatapos ng presscon ng Abay Babes pero kaagad siyang hinila ng Viva staff at nagmamadaling umalis dahil may TV guesting pa siya sa Magandang Buhay ng ABS-CBN.

In fairness, totoo namang may guesting si Cristine, dahil pagpunta namin sa Kapamilya network pagkalipas ng kinse minutos ay nakita namin ang taong humila kay Cristine at sinabing nakasalang na ang aktres.

Tsika at Intriga

Sinamantala ang pagkakataon? Daniel, pinasok daw si Kathryn habang wala si Mommy Min

Sabi namin sa taong kasama ni Cristine na sinadyang umiwas ng aktres sa press para hindi na matanong tungkol sa sinasabing hiwalayan nila ni Ali. Ngiti lang ang isinagot nito sa amin.

Anyway, mukhang puro work lang ang ginagawa ni Cristine ngayon para madali siyang makapag-move on.

Tulad nitong Abay Babes, na tawang-tawa ang lahat ng nakapanood sa trailer dahil nagsama-sama ang mga kikay ng showbiz.

Gagampanan ni Cristine ang karakter na Ruby.

“Doctor ako dito, hopeless romantic and at the end of the movie may twist dito. Mayroon akong ka-love team na hindi ninyo ine-expect, dahil first time ko sa buong career ko.

“Hulaan ninyo kung sino ang love interest ko rito kasi cute siya, ‘di ba, besh? Abangan n’yo kung sino ‘yung ka-love team ko sa ending ng movie. Bongga ‘yun,” say ng magandang mommy ni Amarah.

Hmm, nagbago na ba ng preference si Cristine? Dahil sa sinabi niyang unang beses lang niyang ginawa ang magkaroon ng ka-love team na hindi inaasahan ng tao sa kanya.

Kaya panoorin ang Abay Babes sa Setyembre 19, mula sa Viva Films at idinirek ni Don Cuaresma.

-REGGEE BONOAN