Patuloy na inaayudahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Filipina domestic helper na inaakusahang sumaksak sa kanyang amo sa Kuwait.

Sinabi ni DFA Assistant Secretary Elmer Cato na iniabot ng ahensiya ang lahat ng posibleng tulong kay Ulambai Singgayan, tubong Maguindanao, matapos siyang arestuhin ng Kuwaiti authorities.

“Our Embassy in Kuwait continues to look after our kababayan Ulambai Singgayan and is coordinating with authorities to ensure that her rights are protected,” ani DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola.

Nahaharap si Singgayan sa kasong felony at naka-hospital arrest.

Marian, nakasungkit muli ng Best Actress award dahil sa 'Balota'

Batay sa inisyal na impormasyon, binugbog si Singgayan pagkatapos umanong saksakin ang kanyang amo na sinasabing nagbantang ipawalang-bisa ang kanyang visa at ilipat sa ibang bahay hanggang sa mamatay.

Kinumpirma ni Chargé d’Affaires Charleson C. Hermosura na si Singgayan ay mayroong mga pasa sa mukha, dibdib at braso habang lumitaw sa resulta ng X-ray na may pagdurugo sa kanyang tiyan.

-Bella Gamotea