Binabantayan pa rin ngayon ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang mga bodega sa loob ng Federal Corporation (FedCor) compound sa Marilao, Bulacan, na sinasabing imbakan ng libu-libong sako ng puslit na bigas na inangkat sa China.

Ito ay matapos ipasara ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at ng Philippine National Police (PNP) ang Evergreen warehouse na nasa loob ng FedCor sa Barangay Ibayo, Marilao nang makitaan ng mga paglabag matapos masamsaman ng mga imported na bigas.

Paliwanag ng BoC, nagulat sila sa libu-libong sako ng bigas na nakaimbak sa nasabing bodega, na batay sa tatak ng sako ay galing sa China.

Nagtataka rin ang BoC kung paano nagkaroon ng mga bigas galing China ang nasabing bodega dahil sa Thailand at Vietnam lamang umaangkat ang bansa.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Nagsasagawa ng follow-up operations ang mga awtoridad at inaalam ang pagkakakilanlan ng may-ari ng bodega upang maimbestigahan at mapanagot sa usapin.

Nagkasa rin ng surprise inspection ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at National Food Authority (NFA) sa malalaking bodega ng bigas sa Nueva Ecija, kamakailan.

Sa pahayag ng dalawang ahensiya, wala umano silang nakitang “rice hoarding” sa mga bodega ng palay at bigas sa San Leonardo at Science City of Muñoz.

Sinabi ni NFA-Nueva Ecija provincial manager, Genoveva

Villar na mayroon lamang silang inventory na 1.4 milyong bigas

ng imported rice sa mga commercial traders na 600,000 sa households, 17,000 bags sa NFA warehouse.

Aniya, mayroon silang imbak na kabuuang 2.1 milyon bags, at ang inventory ay tatagal lamang ng 140 araw, base sa estimated daily consumption na 15,200 bags kada araw ng mga Novo Ecijano.

-Freddie Velez, Mina Navarro at Light Nolasco