AMMAN, Jordan – Umaasa si Jordan King Abdullah II na makakabalik sa Pilipinas at dadalhin niya ang mga pribadong negosyante para makita kung ano ang maiaalok sa kanila ng bansa.

SINALUBONG ni Hashemite Kingdom of Jordan King Abdullah bin Al-Hussein (kanan) si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pagdating sa Al Husseinieh Palace sa Amman, nitong Huwebes.  (PRESIDENTIAL PHOTO)

SINALUBONG ni Hashemite Kingdom of Jordan King Abdullah bin Al-Hussein (kanan) si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pagdating sa Al Husseinieh Palace sa Amman, nitong Huwebes.
(PRESIDENTIAL PHOTO)

Ito ang winika ni King Abdullah II sa official working lunch nila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita ng huli sa Al Husseiniya Palace nitong Huwebes ng hapon (oras sa Jordan).

Kumpiyansa ang Jordanian monarch na ang pagbisita ni Duterte ay lalong magpapalakas sa ugnayan ng dalawang bansa sa Asia.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

“I am confident that your presence here will really give us a momentum into the future on so many fields.,” aniya.

Sinabi rin ni Abdullah na masaya siya na nagdala ng mga negosyante si Duterte para galugarin ang mga oportunidad sa Arab nation. At umaasa siya na magagawa rin niya ito sa hinaharap.

“And I hope that this is an opportunity for me then to be able to come back and to visit your country, not only with our government officials but to bring Jordanian private sector to also look at the tremendous opportunities that your country has to offer,” sinabi ng Hari.

BUSINESS DEALS

Sa kanyang pagbisita, dalawang memoranda of understanding (MOUs) at pitong letters of intent (LOIs) ang nilagdaan sa pagitan ng mga pribadong kumpanya sa Pilipinas at Jordan. Ang mga nasabing kasunduan ay nagkakahalaga ng halos US$60.625 milyon at lilikom ng 432 trabaho.

TULONG SA DEPENSA

Pinasalamatan din ni Duterte si Abdullah sa pagkakaloob ng Kaharian ng mga armas na magpapalakas sa defense capabilities ng Pilipinas.

Naunang kinumpirma ni Special Assistant to the President Christopher Go na magkakaloob ang Jordan sa Pilipinas ng dalawang second-hand Cobra attack helicopters sa Hulyo nang susunod na taon matapos ang pagsasanay ng mga pilotong Pinoy. Gayundin ng mortars, rifles, at rocket-propelled grenades.

MAHABANG LABAN

Aminado sina Duterte at Abdullah na aabutin ng matagal na panahon bago tuluyang mapurga ang terrorismo sa timog silangan at kanlurang Asia.

“This is an issue that’s going to last with us not only for the next five to 10, 15 years as you are trying very hard to be very quick, but it’s going to take us a while to overcome the mentalities that these very horrible people perpetrated in your region and in mine,” sinabi ni Abdullah.

Sumang-ayon si Duterte at umaasa na hindi na mararanasan ng susunod na henerasyon ang anumang terrorist act.

“God’s will. But Insha’Allah, I hope that it will -- maybe… Not so much for this generation but for the next generation for them to live comfortably,” sinabi ni Duterte kay Abdullah.

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS