Ni ERNEST HERNANDEZ

NAGBALIK Manila si NBA superstar Stephen Curry at tulad nang inaasahan, mas mainit ang naging pagtanggap ng bayang basketbolista sa three-time NBA champion at two-time MVP.

HINDI binigo ni NBA star Stephen Curry ang mga tagahanga at tagasuporta sa kanyang pagbabalik sa Manila sa pagpapamalas ng husay at pagkain ng lutong Pinoy tulad ng halo-halo na tinawag niyang ‘mixed-mixed’.

HINDI binigo ni NBA star Stephen Curry ang mga tagahanga at tagasuporta sa kanyang pagbabalik sa Manila sa pagpapamalas ng husay at pagkain ng lutong Pinoy tulad ng halo-halo na tinawag niyang ‘mixed-mixed’.

“There is so much support here in the Philippines and all of Southeast Asia for what we do on the court, what I do and what I represent,” pahayag ng 30-anyos superstar.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ito ang ikalawang pagkakataon na binisita ni Curry ang bansa at sa pagkakataong ito bahagio ng kanyang itinerary sa SC30 Asian Tour ang pagpapakilala sa kanyang bagong sneaker SC5 mula sa Under Armour.

Bago ang media conference, nagpamalas ng kanyang kahusayan ang Golden State Warriors star guard sa kanyang workout sa Kerrys Grill sa Shangri-La The Port. Mula rito, nagtungo siya sa MOA para pangasiwaan ang Under Armour 3-on-3 finals sa Mall of Asia Arena.

Aniya, matagal na niyang iniisip ang makabalik sa Manila.

“I told the people in Mall of Asia Arena three years ago that I will come back. It just took a little longer than I thought,” aniya.

Matapos ang Asian Tour, balik si Curry sa Amerika para makasa ang koponan sa training camp upang mapaghandaan ng kampanyang ‘three-peat’ at ikaapat na titulo sa kabuuan sa NBA.

“We want more. We want to accomplish the ultimate feat of winning a championship every single year,” pahayag ng five-time NBA All-Star.

“That is why you work so hard in the off-season. It is why you put in the hours every day to get the right mindset to get your body ready and take advantage of a very short basketball career and win as many titles as you can,” aniya.

Ang two-time FIBA World Cup gold medallist ang siya ring NBA scoring champion at steals leader noong 2016. Sa naturang taon, nakasama siya sa elite club na 50-40-90 kung saan may averaged siyang season shooting 50-percent sa field goals, 40-percent sa three-point arc at 90-percent sa free throw line.

Nakatakda ring bumisita si Curry will be in Manila for the next few days and is set to grace the UAAP Season 81 opening at the Msa opening ceremony ng UAAP Season 81 bgayon sa MOA Arena.