Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas ang 26 na Pilipino na iniulat na nakulong sa isang hotel sa Japan nang tumama ang magnitude 6.7 na lindol nitong Huwebes.

Ipinabatid ni Ambassador to Japan Jose C. Laurel kay DFA Secretary Alan Peter S. Cayetano, na ligtas ang 26-miyembrong tour group mula sa Pilipinas na unang napabalitang hindi nakalabas sa kanilang hotel nang lumindol sa isla ng Hokkaido sa hilaga ng Japan.

Kaagad na inalalayan ng PH Embassy ang nasabing grupo at tiniyak na mayroon silang pagkain, tubig at matitirhan hanggang sa ligtas na makaalis ng Sapporo, ang kabisera ng Hokkaido.

Patuloy ang pagsusubaybay ng Embahada sa kalagayan ng 1,800 Pilipino sa Sapporo at iba pang lugar sa Hokkaido kahit kinumpirma na ng Japanese authorities na walang kababayan na nasugatan.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

-Bella Gamotea