HINDI halos makapaniwala sina Pepe Herrerra at Ritz Azul na umabot na sa 9.6 million views ang trailer ng upcoming movie nilang The Hopeful Romantic tatlong linggo simula nang i-upload ito.

Pepe at Ritz copy

Ayon sa taga-Regal Entertainment, nagulat din sila dahil pawang positibong feedback ang naririnig nila, at sinasabing maganda ang chemistry nina Pepe at Ritz.

As of today ay umabot na sa 108,000 shares at 14,000 ang positive comments sa Good Time Fan Page ng trailer ng The Hopeful Romantic, na mapapanood na sa Setyembre 12, sa direksiyon ni Topel Lee.

Teleserye

Mon Confiado, nag-react sa sinabi ni Herlene Budol na nakakatakot siya

Isa sa narinig naming komento: “Ayos ‘to ah, basta hindi guwapong aktor tapos ganito ‘yung concept na movie, siguradong papatok. Mas gusto ko ganitong movie. Matatawa ka na maiiyak. Mas nakaka-in love ang ganito at nakaka-excite!”

Una nang sinabi ni Ritz sa media launch ng THR kamakailan na proud siya sa pelikula nila ni Pepe.

“Sobrang proud ako sa pelikulang ito, kasi lahat pinaghirapan namin—ng direktor, producers, writers, at siyempre co-actors ko na pinagpuyatan. Naka-ilang revisions kami para mapaganda ang story, para maihatid ‘yung message ng story na may matutunan sila. Tsaka maganda ang istorya, kapupulutan talaga siya ng aral,” sabi ni Ritz.

Hindi raw inakala ng aktres na kaya niya rin palang mag-comedy, kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa Banana Sundae, dahil dito siya nahasa sa pagpapatawa, na hindi niya inakalang magagamit niya sa THR.

Inamin din ni Ritz na nahirapan siyang mag-diet para pumayat, na kailangan sa istorya, kung saan seksing gold digger ang role niya.

“Ang mahirap lang for me, physically, dapat medyo mukhang sexy dun sa screen. So nag-struggle din ako to lose weight, kasi sobrang lumaki ako for a while before gawin ‘yung movie.

“And then nahirapan ako, kasi sobrang kabaligtaran ko ang role sa totoong buhay. Naging kumportable ako sa mga katrabaho ko, kaya napa-swimsuit ako,” sabi ni Ritz.

Inamin din ni Pepe na totoong nanginginig siya habang kinukuhanan ang bed scene nila ni Ritz dahil sa kaseksihan ng aktres.

“Ang masasabi ko po ay lalaki din ako at nakakaramdam ng karupukam. Si Ritz ay very desirable 110%.

“Kasi kinabahan ako nu’ng una dahil sinasabihan ako, ‘Leading man ka na, kailangan tutukan mo ‘yung panunuyo o kung paano tratuhin ang leading ladies.’ Parang siya [Ritz] pa ‘yung gumagawa non para sa ‘kin. Cowboy si Ritz. Hindi siya tipikal na leading lady.

“Sa shooting ka, sanay kasi siya na i-maximize ‘yung oras. Walang nasasayang na oras,” kuwento pa ni Pepe.

Sinabi naman ni Ritz na masarap katrabaho si Pepe.

“Sobrang gaan katrabaho ni Pepe. Sobrang professional. Saka parang nu’ng nagsu-shoot kami, merong connection. Habang nandon’ kami sa characters namin, minsan kahit mata lang, nag-uusap na, ganon.

“Sobrang ang pinakanatutunan ko sa kanya, hindi siya titigil sa take. Kahit paulit-ulit pa ‘yan, para mapaganda ‘yung scene.”

-REGGEE BONOAN