Binalaan kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista at pasahero sa mararanasang mas matinding trapik sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ngayong “ber” months, dahil sa pagsasara at rehabilitasyon ng dalawang pangunahing tulay at isang flyover sa Maynila.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, nagbigay na ang ahensiya ng clearance sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang simulan ang pagsasaayos ng Old Sta. Mesa Bridge at pagkukumpuni naman sa Mabini Bridge at ng Nagtahan flyover simula sa Setyembre 15.

“The Old Sta. Mesa Bridge that connects San Juan and Manila cities will be closed for seven months,” ani Garcia, sa isang press briefing kahapon.

Ang konstruksiyon ay upang bigyang-daan ang ipinapatayong Skyway Stage 3 Project, isang elevated expressway na kumukonekta sa Makati at Quezon City.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“The bridge along N. Domingo Street has to be demolished so that barges that will carry equipment for the Skyway 3 Project can pass the waterway,” dugtong nito.

Samantala, magtatagal naman ng apat na buwan ang pagkukumpuni sa Mabini Bridge at Nagtahan flyover, kasama na ang isasagawang asphalt overlay at electrical works sa bawat lane para sa 120 araw.

-Bella Gamotea