MASAGANANG Pasko ang naghihintay para sa mga atletang nakapag uwi ng medalya buhat sa katatapos na Asian Games sa Jakarta at Palembang Indonesia.

Ito ay matapos na kumpirmahin ni Philippine Sports Commission PSC chairman William Ramirez na dadagdagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P1.5milyon ang insentibo na matatanggap ng mga gold medalists.

Ang nasabing insentibo ay nakatakdang ipamigay ng Pangulong Duterte sa Setyembre 12 kung saan inimbitahan niya ang mga atleta na nakapag uwi ng medalya sa Malacanang para personal na mabati ang mga ito.

Kabilang sa mga gold medalists na mabibiyayaan ay sina Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ng weigthlifting, Margielyn Didal ng skateboarding, Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go ng golf.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Bukod dito ay makakatanggap din ng halagan P6 milyong piso sina Diaz, Didal at Saso buhat naman sa PSC, POC, Siklab Sports foundation at sa ambassador ng Pilipinas sa Indonesia.

Tatanggap din ng karagdagang insentibo ang mga silver medalists na P1milyon pbuhat kay Duterte habang P200, 000 para sa mga bronze medalists.

“These athletes deserve the incentives. And the President through SAP Bong Go has confirmed to give additional incentives to our Asian Games medalists,” ani Ramirez.

Annie Abad