KAHIT sangkatutak ang traditional Christmas songs, tulad ng Silent Night, Joy to the World, at Oh Holy Night, isang awiting Pamaskong Pinoy ang walang sawang pinapatugtog tuwing sasapit ang September 1 ng bawat taon, ang Christmas In Our Hearts ni Jose Mari Chan.

Lea copy

Sa nakalipas na maraming taon, paborito na itong tugtugin tuwing unang araw ng “ber” months, at muling nag-viral sa social media nitong Sabado, Setyembre 1.

Taong 1988 nang mahilingan si Jomari na lumikha ng kanta para sa Silver Jubilee ng Assumption High School. May tulang ginawa si Chari Cruz, Ang Tubig ay Buhay, para lapatan ng musika ni Jomari. Nakipag-collaborate naman siya sa songwriter na si Rina Caniza, at binigyan ng bagong twist ang lyrics.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pinamagatang Christmas In Our Hearts, ipinasya ni Jomari na isama ang nasabing kanta sa noon ay tinatapos niyang Christmas album. Personal choice ni Jomari na maka-duet sa nasabing awitin si Lea Salonga, na noon ay sikat nang international star dahil sa pagbibida sa Miss Saigon sa London.

Gayunman, hindi ito nagkaroon ng katuparan dahil magkaiba ng recording company sina Jomari at Lea. May nagmungkahi kay Jomari na ang anak niyang si Lisa Chan ang ipalit kay Lea. She was only nineteen years old then.

Naging tagumpay naman ang father and daughter tandem, at naniniwala si Jomari na from beginning to end ay ginabayan sila ng Holy Spirit sa pagbuo ng klasiko na ngayon pero all-time favorite pa rin na Christmas In Our Hearts.

Ang tema ng kanta ay kung ano ang tunay na kahulugan ng Pasko. Sales-wise ay best seller ito, at nagtamo pa ng Platinum award five times over, bilang walang kamatayang pamana mula kay Jose Mari Chan, ang King of Philippine Christmas Carols.

-REMY UMEREZ