Nasa kustodiya ng pulisya ang 34 na kataong inaresto sa hindi umano pagtindig at pagbibigay-galang nang patugtugin ang “Lupang Hinirang” sa loob ng isang sinehan sa Lemery, Batangas.
Ayon kay Senior Insp. Hazel Luma-ang Suarez, information officer ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 2:00 ng hapon nang magsagawa ng Oplan Bandila ang mga operatiba ng Lemery Police sa loob ng sinehan ng Xentro Mall sa Barangay Malinis.
Inaresto ng mga awtoridad ang 34 na manonood nang hindi tumayo ang mga ito habang tinutugtog ang pambansang awit bago ipalabas ang pelikulang “The Hows of Us”.
Kakasuhan ng paglabag sa Section 38, Chapter 2 ng Flag and Heraldic Code of the Philippines (RA 8491) sina Kenneth Mendoza, John Aldrin Castro, Jerson Catapat, Mark Anthony Cabrera, Mark Gil Mercado, Michael Bautista, Reymundo Hernandez, Ron Jeric Ribot, Kent Vincent Amor, Klen Aljohn Montenegro, Joshua Noche, Amony De Sogon, John Mark Villastas, Domingo Agojo, Juan Aldovino II.
Arestado rin sa nasabing paglabag sina Karen Decepeda, Angola Marie Dimayuga, Marie Joy Reyes, Cashmere Kyra Montenegro, Leny Jane Villanueva, Cathsien De Castro, Rose Ann De Castro, Mary Jane Lausa, Kimberly Martinez, Justine Mercado, Cynthia Mae Vergara, Donna Mae Catapang, Aileen Sinag, Marinette Cacanlalay, Maria Marcellana, Catherine Liday, Kyra Mae De Castro, Melody Megallon, at Gladys Montenegro.
-Lyka Manalo