NAITALA ni Filipino Woman International Master (WIM) Cristine Rose Mariano-Wagman ang ikatlong sunod na panalo para makisalo sa ika-2 puwesto sa katatapos na Pia Cramling’s Ladies Open 30 minutes Rapid plus 10 seconds increment chess tournament nitong Linggo sa Scandic Foresta Hotel sa Stockholm, Sweden.

Ang Umea, Sweden-based na si Mariano-Wagman, dating head coach ng Trinity University of Asia, ay nakalikom ng 5.5 puntos para makasama sa ika-2 hanggang ika-5 puwesto sina Woman International Masters (WIMs) Jessica Bengtsson, Viktoria Johansson at Irina Tetenkina ng Sweden.

Si Mariano-Wagman, dating National Women’s Open champion at Chess Olympiad member, ay tumapos ng 3rd overall matapos ipatupad ang tie break points.

Si Mariano-Wagman ay kasal kay Jorgen Wagman, Logistic Manager ng IKEA sa Umea, Sweden.

'Matagal ko nang pinapangarap ‘yon!' Alex Eala, naging emosyonal nang tugtugin Lupang Hinirang sa 2025 SEA Games

Tinanggap ni Mariano-Wagman ang 3,000 Swedish Kronor (P18,000) at crafted glass trophy at set ng alahas na dinesenyo ni WGM/GM Pia Ann Cramling.

Nagpakitang gilas si International Master Inna Agrest ng Sweden, nagpasalap ng bukod tanging pagkatalo ni Mariano-Wagman sa fourth round, para makopo ang titulo tangan ang anim na puntos.