Maagang inabisuhan ng Department of Energy (DoE) ang mga motorista sa posibilidad ng sunud-sunod na oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa sa mga susunod na linggo.

Ipinahayag ng DoE na hindi lamang sa Pilipinas inaasahang tataas ang presyo sa petrolyo, kundi maging sa ibang bansa bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Kabilang sa malaking epekto ng napipintong oil price hike ay dahil umano sa US sanction sa Iran, pagbaba ng produksiyon ng langis sa Venezuela, at ang pagpigil ng produksiyon sa Libya dahil sa tumitinding tensiyon sa nasabing bansa.

Kinumpirma ni Rino Abad ng DoE na sa darating na Nobyembre, mararanasan ang mas mataas na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo sa bansa.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

-Bella Gamotea