Patay ang isang opisyal ng Pasay City Police makaraang tambangan ng riding-in-tandem sa lungsod, kamakalawa ng hapon.

Binawian ng buhay sa San Juan De Dios Hospital si Insp. Allan Ortega y Lazara, 47, aktibong miyembro ng Philippine National Police na nakatalaga bilang deputy commander ng Police Community Precinct (PCP) 4-Libertad ng Pasay City Police, at nakatira sa No. 333 Tramo Riverside, Barangay 156, Zone 16 ng nasabing lungsod.

Patuloy na inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na sakay sa motorsiklong hindi naplakahan.

Sa inisyal na ulat na ipinarating ng Southern Police District (SPD), naganap ang pamamaril sa Southbound Andrews Avenue, malapit sa Gate 2 ng Light Rail Transit (LRT) Depot, Bgy. 190, sa Pasay City, bandang 3:30 ng hapon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

S a i m b e s t i g a s y o n , minamaneho ng biktima ang kanyang owner type jeep (URG- 805 ) at binabagtas ang kahabaan ng Andrews Avenue nang dikitan ng mga suspek at makailang beses binaril sa mukha.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi batid na direksiyon matapos ang pamamaril.

Ayon kay Senior Insp. Crisanto Racoma, commander ng PCP 4, isang buwan pa lamang nakatalaga sa prisinto si Insp. Ortega, na dating naka-assign sa PCP 9.

Aniya, wala silang kilalang kaaway ng biktima dahil bago pa lamang ito sa prisinto.

Sinusuri ng awtoridad ang kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Bumuo na rin ang Pasay Police ng Station Special Investigation Team, upang magsagawa ng imbestigasyon.

-BELLA GAMOTEA