Itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na taon ang pagdaraos ng plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, isasagawa ang plebisito sa Enero 21, 2019, alinsunod sa Republic Act 11054.

Aniya, ang special voter registration para sa nasabing plebisito ay gagawin sa Bangsamoro “core territories” sa Setyembre 11-13, 2018.

Magsisimula namang umiral ang plebiscite period sa Disyembre 7, 2018 hanggang sa Pebrero 5, 2019, habang ang campaign period ay sa Disyembre 7, 2018 hanggang Enero 19, 2019.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“Listen up. The Comelec, per RA11054, has set the date for the #Bangsamoro Organic Law pleb on 21Jan2019. Plebiscite period: 7Dec2018 to 5Feb2019; Campaign period: 7Dec2018 to 19Jan2019. Special #VoterReg2018 to held in Bangsamoro Core Territories: 11-13 Sept2018,” pahayag ni Jimenez sa Twitter.

Matatandaang layunin ng BOL na tuldukan na ang deka-dekadang sigalot sa Mindanao, sa pamamagitan ng paglikha ng bagong political entity na may mas malawak na awtonomiya kumpara sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

-Mary Ann Santiago