Laro sa Sept. 11

(Cuneta Astrodome)

8:00 n.u. -- PCU vs NEU

9:30 n.u. -- OLFU vs CUP

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

11:30 n.u. -- Opening ceremony

1:00 n.h. -- St.Clare vs Enderun

3:00 n.h. -- DOMC vs DLSAU

MATUTUNGHAYAN muli ang tikas at husay nang mga collegiate players sa paglarga ng Season 18 ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) sa Sept. 11 sa Cuneta Astrodome.

Umaatikabong aksyon ang kaagad na babalot sa itinakdang four-game sked na tatampukan ng tradisyunal na opening ceremonies ganap na 11:30 ng umaga.

Inimbitahan si Special Assistant to the President Bong Go bilang special guest sa programa. Makakasama niya sina NAASCU Chairman Emeritus Dr. Ernesto Jay Adalem ng St. Clare College-Caloocan, NAASCU president Dr. Martha Ijiran ng Philippine Christian University at iba pang opisyal ng liga.

Sisimulan ng St. Clare ang kampanyang ‘three-peat’ laban sa Enderun Colleges ganap na 1:00 ng hapon.

Magtutuos naman ang PCU at New Era University sa 8:00 ng umaga, habang ang Our Lady of Fatima University ay mapapalaban sa City University of Pasay ganap na 9:30 ng umaga at magkakasubukan ang last year’s runner-up De Ocampo Memorial Colleges at De La Salle-Araneta University ganap na 3 n.h.

Ang iba pang miyembro ng liga ay ang Manuel Luis Quezon University, AMA University, RIzal Technological University, Philippine Merchant Marine School, St. Francis of Assisi College, Holy Angel University at National Teacher’s College.

Nakamit ng St. Clare ang back-to-back title nang gapiin ang De Ocampo sa best of three finals (101-79 at 98-83).

Pangungunahan muli ni two-time MVP Aris Dionisio ang the Saints, katuwang sina Junjie Hallare at import Mohamed Pare.

Target ng Saints, unang nakamit ang titulo noong 2012, na maging ikatlong koponan kasunod ng University of Manila at Centro Escolar University na nagwagi ng tatlo o higit pang kampeonao mula nang itatag ang liga noong 2001.