TINULDUKAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang babala para sa mga pasaway na National Sports Associations.

Ipinahayag kahapon ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na ng hanggang katapusan ng buwan ngayong Setyembre ang ibinigay na panahon para makumpleto ng mga NSA ang kanilang ‘liquidation requirement’.

Nanawagan si Ramirez sa Philippine Olympic Committee POC na pakiusapan ang mga Presidente ng mga NSAs na linisin na ang kanilang unliquidated accounts upang Hindi magkaroon ng problema sa Commission on Audit (COA).

“I am encouraging my partner, the POC president Ricky Vargas, to encourage all the NSA presidents to liquidate now of they still have unliquidated accounts,” pahayag ni Ramirez.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kamakailan, inilabas ng PSC ang listahan ng mga NSAs na hindi pa nakakapag-liquidate sa ‘financial assistance’ na nakuha nila sa pamahalaan.

Ilan dito ay hindi na pinagbigyan ng PSC sa mga hiling para sa kanilang gastusin para sa Asian Games, gayung kailangan muna nila na bayaran ang kanilang mga utang sa nasabing ahensiya.

Tatlo sa mga NSAs na may malalaking utang sa PSC ay ang Wrestling (P20M), Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. (P15) at Philippine Karatedo Federation (P12M). Sa kabuun, batay sa talaan ng PSC, umabot sa P200 milyon ang ‘unliquidated expenses’ ng mga NSAs.

“There is no reason not to liquidate. COA will be running after you,” babala ni Ramirez.

Inamin din ng PSC chief na mismong ang POC ay mayroon pang unliquidated account sa kanila.

-Annie Abad