SA Monday na, September 10, ang pilot episode ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Ika-5 Utos sa direksyon ni Laurice Guillen. Mapuwersa, maigting at tiyak na magiging kontrobersyal ang serye, na mahihinuha na sa title pa lang.

Jake

Malaki ang pasasalamat ng lahat ng cast na nakasama sila sa Ika-5 Utos dahil maganda ang story, magagaling ang cast at para sa mga ngayon pa lang nakatrabaho si Direk Laurice, ay malaking pagkakataon ang seryeng ito.

Isa si Jake Vargas sa malaki ang pasasalamat na mapasana sa cast at binanggit nito ang kanyang mga dahilan.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Ang tagal ko ring walang regular soap, mga one year siguro. Sa Pepito Manaloto lang ako regular napapanood at every Saturday ‘yun. Nag-guest ako sa Kambal Karibal, pero ilang weeks lang ‘yun. Dito sa Ika-5 Utos ang masasabing pagbabalik ko talaga sa soap at masaya ako,” pauna ni Jake.

“Of course, big deal din sa akin na maidirihe ni direk Laurice na alam nating mahusay na direktor at alam kong marami akong matututunan sa kanya. Pasalamat din ako na makatrabaho ang cast na pawang magagaling, from Ms. Jean Garcia, Tonton Gutierrez, Ms. Gelli de Belen at ang iba pang kasama. Nakaka-starstruck silang makasama,” patuloy ni Jake.

Malaking bagay din kay Jake na muling makasama ang girlfriend niyang si Inah de Belen. Dahil madalas magkasama sa taping, hindi na mahihirapan si Jake na bisitahin sa bahay nito ang GF.

“Nakakanerbiyos lang noong unang eksena namin ni Ms. Gelli na madalas kong kaeksena dahil nanay ko siya rito. Pero, ngayon, okay na kami, hindi na ako naiilang sa kanya. Kailangan lang galingan ko ang acting para masabayan ko sila ni Antonio Aquitania na gumaganap na tatay ko rito. Masaya naman sa taping,” dagdag ni Jake.

Nakilala na rin ni Jake si John Estrada, ang ama ni Inah, sa GMA Anniversary party.

“Si Inah ang nagpakilala sa akin sa dad niya. Okay naman, ang natatandaan kong sinabi niya sa akin, ang nipis ko raw pala,” natatawang kuwento ni Jake.

Anyway, umaasa si Direk Laurice na hindi magkaproblema sa MTRCB ang mga eksena ng Ika-5 Utos. Noong presscon, hindi pa nare-review ng MTRCB ang pilot episode ng Afternoon Prime, kaya hindi pa nito alam kung may mga eksenang hindi papayagang umere.

“But we are hoping for the best,” sabi ni Direk Laurice.

-Nitz Miralles