Mahigit P500 milyon ang naghihintay sa mananalo sa UltraLotto 6/58 jackpot matapos na walang manalo nitong Martes, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO).

Sinabi ng ahensiya na walang masuwerteng nakakuha ng winning combination nitong Martes: 07, 08, 41, 25, 13, 30.

Ayon kay Alexander Balutan, PCSO general manager, ang jackpot price ng UltraLotto ay P503,330,392.

Hinikayat ni Balutan ang publiko na mas subukan ang kanilang suwerte, sinabing maaaring isa sa kanila ang maging susunod na milyonaryo.

National

‘We are not at war!’ PH, ‘di magpapadala ng Navy warships sa WPS matapos China aggression – PBBM

“With the public’s support of our products, PCSO is able to constantly provide charity services to our ‘kababayans’ nationwide,” pahayag ni Balutan.

-Jel Santos