TRAILER pa lamang ng bagong afternoon prime drama series na Ika-5 Utos ng GMA Network, nalaman nang isang battered girlfriend si Inah de Belen as Joanna, ng boyfriend niyang si Jake Vargas, as Carlo.

Inah copy

Hindi ba nahirapan si Inah na i-portray iyon?

“To be honest, kaya medyo nag-struggle din ako sa role na ito kasi the feeling and the situation is very similar to me. Not physical, no, no, no, ano lang, emotional, from my former boyfriend,” sagot ni Inah.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Non-showbiz ang guy, puro verbal lamang ang pag-abuso niya sa akin, kahit sa harap ng ibang tao. Para sa akin, I guess, masakit pareho. Pero natiis ko po iyon sa first boyfriend ko, for five years. Pero sabi nga, at some point kung laging ginagawa sa iyo ‘yun, mapapagod ka rin, although ngayon ko naisip na paano ako nakatagal?”

Inamin ni Inah na nagkaroon din siya ng depresyon dahil doon at hindi raw alam iyon ng parents niya. Biro pa niya, ngayon daw pa lang daw malalaman ng parents ang tungkol sa past relationship niya kapag nai-publish na ang ang interview niya.

Pero, aniya, ipinagpapasalamat daw niya na naibunyag na niya sa wakas ang nangyari sa kanya noon na itinago niya nang matagal. Sana raw ay makatulong ito sa mga makakabasa nito at ma-inspire din silang magkusang isiwalat sa anumang pinagdadaanan nila sa buhay.

“But now, I’m thankful na biniyayaan ako ng isang mabait na boyfriend, si Jake nga na katambal ko rito. Nakakatawa nga dahil ang role namin, battered girlfriend din ako rito.

“Si Jake, ayaw akong saktan sa eksena pero sabi ko sa kanya, ‘okey lang Love, gawin mo kung ano ang hinihingi sa script at sa gusto ni Direk Laurice (Guillen).

“Pero maingat na maingat pa rin si Jake sa akin, kaya hirap din po siya sa role niya. Sana po ay magustuhan ng mga manonood ang roles naming ginagampanan ni Jake, dahil ibang-iba sa totoong kami ang characters namin.”

Sa Monday, September 10, mapapanood na ang Ika-5 Utos after Eat Bulaga, at ieere hanggang Sabado.

-Nora V. Calderon