Tiniyak ni Quirino Rep. Dakila Carlo Cua, chairman ng House Committee on Ways and Means, na hindi magreresulta sa mass lay-off o dagdag na buwis sa consumers ang Tax Reform for Attracting Better and High-quality Opportunities (TRABAHO) bill o TRAIN 2.

“Naniniwala ako na hindi totoo ‘yun. Although we acknowledge and respect itong mga agam-agam ng ating mga kasamahan, na siyempre lahat naman tayo iniisip ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, sa design naman natin we are ensuring that we are creating more jobs,” ani Cua.

Siniguro niya na ang panukalang TRABAHO ay hindi magpapabigat sa consumers dahil hindi ito magpapataw ng anumang dagdag na buwis sa consumer products.

“Wala siyang bagong buwis. Ibang iba ito. Ang ginagawa ng TRABAHO bill ay scheduling the gradual reduction of our corporate income tax,” giit ni Cua.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

-Bert De Guzman