Mahigit 20 video karera machines ang pinagsasamsam ng Las Piñas City Police matapos salakayin ang ilang barangay sa siyudad, bilang bahagi ng direktiba ng pamahalaang lungsod na nagbabawal sa lahat ng uri ng sugal.

Sa ulat ni Las Piñas Police Chief Supt. Marion Balonglong, sinalakay ng mga awtoridad ang ilang barangay, kabilang ang Basa Compound sa Barangay Zapote, Barangays Pulanglupa Uno at Dos, Manuyo Uno at Dos, Talon Uno at Dos, at CAA. Kinasuhan naman ang mga operator ng video karera ng paglabag sa anti-illegal gambling law.

Ipinag-utos kahapon ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar ang pagbabawal sa video karera at sa iba pang uri ng sugal sa buong lungsod, matapos makatanggap ng reklamo mula sa mga magulang at residente hinggil sa dumaraming bilang ng mga ito, partikular malapit sa mga paaralan.

Ipinag-utos din ng alkalde ang mahigpit na implementasyon ng one-strike policy sa lahat ng hep eng Police Community Precinct (PCP) na magpapabaya sa kanilang tungkulin.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3