PARA sa No.1 super flyweight at dalawang beses tumalo kay dating pound-for-pound king Roman “Chocolatito” Gonzalez ng Nicaragua na si Thai Srisaket Sor Ruvinsai, ang numero unong bayani at idolo niya sa professional boxing ay si Pinoy champion at eight division world titlist Manny Pacquiao.

Nagpaplano pa lamang na pumasok sa boksing mula sa Muay Thai noong 2009, tinitingala na ni Sor Rungvisai si Pacquiao na matagal naging best pound-for-pound boxer sa buong mundo.

“Manny Pacquiao is my hero. He is my idol. It’s always a treat to watch him fight in the ring. Obviously, we’re both southpaws. Other than that, I respect him for what he has done for his family through boxing,” sabi ni Sor Ruvingsai sa fightgameasia.com

Halos magkatulad ang naging kapalaran nina Sor Ruvingsai at Pacquiao na nagmula sa kahirapan, nagsikap para maging kampeong pandaigdig hanggang umangat sa buhay.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“It’s important to be humble. I’ve been trying to follow him (Pacquiao) by learning great things from him, not only inside the ring but also outside the squared-circle. He has impressed me in many ways,” pagtatapat ni Sor Rungvisai.

Sikat na sa buong mundo si Sor Ruvingsai at siya ang bagong mukha ng Asia sa boksing kaya gusto siyang makaharap ng mga Pilipinong sina IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas at three-division world titlist Donnie Nietes

“It’s truly an honor to be recognized around the globe. I am ready to be at my best and represent Asia the best I can,” ani Sor Srisaket na itataya ang kanyang kororna kay Mexican Iran Diaz sa Oktubre 6.

-Gilbert Espeña