Pitong buwang pinag-ibayo ng Bureau of Customs (BoC) ang koleksiyon nito at nalagpasan ang nakaatang na puntirya nito.
Ito ay nang makakolekta ang ahensiya ng P2.326 bilyon kita nitong Agosto.
Ang nakolektang kita sa buwan ng Agosto ay umabot sa P51.739 bilyon at lagpas pa kumpara sa collection target nito na P49.31 bilyon.
Sa preliminary data ng Financial Service ng ahensiya, makikitang malaki ang naitulong ng 15 collection district dahil na rin sa positibong pagganap sa kanilang tungkulin.
Kinabibilangan ito ng Port of Batangas, na nakakolekta ng P12.716 bilyon; Port of Manila, P7.810 bilyon; Port of Limay, P3.435 bilyon; Port of NAIA, P3.106 bilyon; Port of Cebu, P2.513 bilyon; Port of Davao, P2.401 bilyon; Port of Cagayan de Oro, P1.913 bilyon; Port of Iloilo, P378 milyon.
Kasama rin sa mga ito ang Port of Clark na kumita ng P147 milyon; Port of Tacloban, P102 milyon; Port of Legaspi, P33 milyon; Port of Zamboanga, P24 milyon; Port of Aparri, P7 milyon; at Port of Surigao, P2 milyon.
-Mina Navarro