TULOY ang laban ng Games and Amusement Board (GAB) para matigil ang mga ilegal na online betting, kabilang ang eSabong.
Sa kabila nang kawalan ng ‘ngipin’ bunsod nang kakulangan ng batas na nagbabawal sa eSabong, sinabi ni GAB Chairman Abraham “Baham” Mitra na mandato ng ahensiya na maproteksyunan ang mga sports na nasa pangangasiwa ng GAB, higit ang pamahalaan laban sa ilegal na OTB (Off Track Betting) na kalauna’t ginagamit na rin sa eSabong.
“As part of the mandate of GAB, we will look into these reports of illegal OTBs in Metro Manila. These illegal OTBs are depriving the government of much-needed revenues,” pahayag ni Mitra.
Sinabi ni Mitra, three-term lawmaker at Governor ng Palawan, na dagsa ang tinatanggap nilang reklamo hingil sa patuloy na paglaganap na ilegal na eSabong, partikular sa Quezon City.
Aniya, nakikipag-ugnayan na ang GAB sa mga lokal na opisyal upang maabatan ang paglaganap nito sa buong Kamaynilaan.
“The GAB legal department is now preparing a letter to the chief executives of different cities and ask for their help,” pahayag ni Mitra, matapos angpakikipagpulong sa mga opisyal ng ahensiya kabilang sina Commissioner Eduard Trinidad at Mar Masanguid.
“We will also ask several questions, such as issuance of franchise permits to these OTBs which also operate e-sabong,” ayon kay Mitra.
Sentro ng usapin ang isyu ng ilegal na OTB na ginagamit na rin sa e-Sabong bunsod nang patuloy na pagbaba ng kita mula sa industriya ng karera.
Mistulang natatabunan na ang karera dahil mas maraming tumataya sa eSabong kung saan mas mataas ang nakukuhang premyo. Ang eSabong ay hindi sakop ng GAB para mapagkunan ng tax.