Tagumpay ang operasyon ng Armed Forces of the Philippines para hilahin ang sumadsad na barko ng Philippine Navy palayo sa Hasa-Hasa Shoal na nagsimula dakong 2:00 ng hapon nitong Lunes.

Sinabi kahapon ni AFP Spokesman Colonel Edgard Arevalo na ang Barko ng Republika ng Pilipinas Gregorio del Pilar (FF 15) na sumadsad sa bahura ay matagumpay na nahila bago ang hatinggabi o 11:45 a.m. ng parehong araw.

Ayon kay Arevalo natanggap niya ang impormasyong ito mula kay Commander of Joint Task Force “Goyong” Commodore Rommel Jason Galang sa ulat nito kay Commander of the AFP Western Command, Lt. Gen. Rozzano Briguez.

“Inspection was ongoing as at this time in preparation for the towing of the vessel to Subic,” ani Arevalo.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Naunang sinabi ni Arevalo na si Commodore Galang ang namuno sa grupo ng sailors, divers, airmen, marines, at civilian experts para tukuyin kung paano nila maalis ang BRP Gregorio del Pilar nang hindi magdudulot ng malaking pinsala sa katawan nito at sa kapaligiran.

Sumadsad ang BRP Gregorio del Pilar sa bisinidad ng Hasa-hasa Shoal, West Philippine Sea noong gabi ng Agosto 29, 2018.

“An investigation is expected in such situations to find out the possible causes of the grounding and to come up with steps to ensure that similar incidents will be prevented,” sinabi ni AFP Public Affairs Chief Colonel Noel Detoyato.

Ang BRP Gregorio del Pilar ay may bigat na 3,250 tonelada at taas na 378 talampakan ang taas.

-Francis T. Wakefield