Isang store owner ang natagpuang patay at may mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa pagkakahandusay sa loob ng kanyang bahay sa Antipolo City, Rizal, nitong Lunes.

Sa ulat ni Rizal Police Provincial Office Director Senior Supt. Lou Frias Evangelista kay Police Regional Office (PRO)-4A Director Chief Supt. Edward Carranza, nakilala ang biktimang si Ruby Acosta, 33, store owner, at taga-Sitio El Dorado, Barangay San Jose, Antipolo City.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong 8:00 ng umaga nitong Lunes nang madiskubre ng isang Clarrisse Barsabal ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay ng huli.

Nauna rito, nakarinig umano si Barsabal ng iyak at nang mag-usisa siya ay sarado ang pintuan ng bahay ni Acosta kaya sa tindahan nito siya sumilip at bumulaga sa kanya ang bangkay nito.

National

Hontiveros sa pagsailalim kay Guo sa PNP custody: 'Napaka-iregular ng mga nangyayari'

Iniimbestigahan kung sino ang may kagagawan sa pagpatay at ang motibo nito.

-Mary Ann Santiago