MAY bagong demonstration sport sa darating na UAAP Season 81 na pormal na magbubukas sa Setyembre 8 sa Mall of Asia Arena.

Kasunod ng University of Santo Tomas na idinagdag ang ballroom dancing noong Season 79 at ng Far Eastern University na inihanay ang 3×3 basketball noong nakaraang season, sa pagkakataong ito ay idadagdag naman ng National University ang sport na arnis.

“We will have arnis as an exhibition part while three-on-three [basketball] will be back. We will also bring back formation ballroom to the mix,” ayon kay UAAP President Nilo Ocampo ng NU sa ginanap na press conference kahapon para sa league 81st season sa SM Mall of Asia Arena.

Sa pagkakadagdag ng arnis, mayroon na ngayong kabuuang 16 na medal sports sa liga.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kaugnay naman ng season opener na basketball tournament, inanunsiyo rin ng liga ang pagkakaroon nila ng sariling set ng mga referees.

Sa mga nakalipas na UAAP seasons, ang mga basketball officials ng liga ay galing sa Basketball Referees Association for Schools, Colleges and University (BRASCU).

“For the first time, we will also have our own set of referees. This is to ensure that there will be quality and improvement in our officiating,” pagbabalita ni Ocampo.

-Marivic Awitan