NITONG Agosto 31, maraming Pilipino ang excited na naghintay sa pagsapit ng 12:00 ng hatinggabi na hudyat ng pagpasok ng tinatawag na “ber” months. Masasabing ilang dayuhan na kakatawa ito, pero sa atin dito sa Pilipinas, ang pagpasok ng “ber” months—Setyembre hanggang Disyembre—ay simula na rin ng Kapaskuhan.
Totoong ang Pilipinas ang may pinakamahabang selebrasyon ng Pasko sa mundo. Pagsapit ng Setyembre, nagsisimula na tayong makarinig ng mga awiting Pamasko, habang pinaplano na rin ng mga tao kung paano ipagdiriwang ang
Pasko at Bagong Taon, itinatakda ang mga bakasyon, inihahanda ang listahan ng mga reregaluhan, habang bina-budget na rin ng mga pamilya ang malakihang gastos na kanilang haharapin.
The same is true for retailers. In fact, for those involved in retail, September is too late to prepare for the Christmas season. The best time to prepare for the jolliest of seasons is right after Christmas. This means that for retailers, Christmas has always been here, it never ended.
Ang Pasko ay importante—marahil ang pinakamahalaga—na panahon para sa mga negosyante. Bukod sa iba pang holidays at mga espesyal na okasyon, tulad ng Valentine’s Day, Mother’s Day, Father’s Day, at Grandparent’s Day, ang Pasko ang pinakaabala, at posibleng pinakaginagastusang panahon sa buong taon para sa retail industry. Nakikinita ko na kung gaano ito kahalagang okasyon para sa small and medium enterprises (SMEs) na determinadong mapaalagwa ang kani-kanilang taunang kita.
Kaugnay nito, inilunsad ng e-commerce giant ng China na Alibaba ang selebrasyon ng tinatawag nitong Singles Day tuwing ika-11 ng Nobyembre sa China, at pang-record ang hinahakot nitong kita. Noong 2017, gumastos ang mga mamimili ng mahigit $25 billion (nasa P1.3 trilyon), tinalo pa ang kita ng Black Friday at Cyber Monday sa Amerika.
Naging obligasyon na para sa lahat ng retail owners ang samantalahin ang mga holidays, partikular na ang Pasko. Magsusulputan na ang mga agaw-eksenang window displays ng iba’t ibang establisimyento. Dahil magpapabonggahan ang mga retail store para makaakit ng mga mamimili, mahalaga para sa mga nasabing establisimyento na maging pinakamaganda sa lahat para dayuhin ng mga mamimili.
Naaalala ko noon, isa sa pinakainaabangang hudyat ng pagsisimula ng Pasko ang Christmas display ng Manila COD sa Cubao. Nagsimula noong 1957, taun-taong nagtatampok ang COD department store ng mga nakatutuwa at gumagalaw na window displays para aliwin ang mga mamimili. Dumadagsa sa Cubao ang pami-pamilya mula sa Metro Manila at sa mga kalapit na probinsiya sa gitna ng malamig na gabi, upang panoorin lang ito.
Sa New York, dinadayo rin ng mga mamimili at mga turista ang mga holiday windows sa iba’t ibang department store, tulad ng Macy’s, Bloomingdale’s, at Saks Fifth Avenue. Kasali rin sa pabonggahan ang Times Square at IFC Malls ng Hong Kong upang ipagdiwang ang pinakamasaya at pinakaginagastusang panahon sa buong taon.
Kaya naman pagkatapos ng pagdiriwang ng Undas, nagsisimula na ang mga establisimyento sa pagkakabit ng mga dekorasyong Pamasko—ang iba ay doon pa rin sa tradisyunal na disenyo, habang mas hi-tech naman ang iba. Bahagi ito ng estratehiya upang makaakit pa ng mas maraming tao at ipagdiwang ang diwa ng Pasko.
Bilang retailer, mayroong milyong bagay na kinakailangang paghandaan. Sapat ba ang stocks para sa inaasahang paglakas ng demand? Makikisakay ba sa pagbebenta ng mga produktong may tema ng Pasko? Mas okay kaya ang Holiday Roast Coffee, o Christmas baked goodies? Kakailanganin kaya ng karagdagang empleyado para sa Christmas rush? Ano kayang mga gimik at aktibidad ang maaaring ilunsad upang mamukod-tangi sa kumpetisyon sa mga kapwa negosyante?
Sa Pilipinas, sinasamantala rin ng mga may-ari ng restaurant ang Simbang Gabi o Misa de Gallo, para mag-alok ng makakain sa mga gumising nang madaling araw at sinabaka ang malamig na umaga, makumpleto lang ang serye ng misa simula sa Disyembre 16 hanggang 24. Nag-oorganisa rin ang mga negosyante ng mga bazaar upang mabigyan ang mga mamimili ng mas murang mabibilhan ng mga pangregalo sa Pasko.
Sa amin sa Vista Land, ang aming mga mall at ang aming retail line na kinabibilangan ng AllHome one-stop-shop home improvement depot, AllDay Supermarket, AllDay Convenience Stores, AllToys toy stores, Finds! Finds! Discount Store, Bake my Day bakeshops, at The Coffee Project shops ay abalang-abala na rin ngayon sa paghahanda para sa mahabang panahon ng Kapaskuhan.
Handa na kami para sa Pasko! Handa na ba kayo?
-Manny Villar