SINGAPORE – Nakamit ni Arena Grandmaster at Fide Master elect Robert Suelo Jr. ng Pilipinas sa katatapos na Asean Chess Academy (ACA) Rapid Open Chess Championships nitong Linggo na ginanap sa Bukit Timah Shopping Centre dito sa Singapore.

Si Suelo, certified World Chess Federation (FIDE) instructor at trainer dito, ang 1996 Philippine Junior Champion ay namayani kontra kay Singaporean Tan Yian Hau sa 6th at final round para tumapos ng 5.5 points mula sa 5 wins at 1 draw para idagdag ang Asean Chess Academy (ACA) Rapid Open Chess Championships September edition sa kanyang growing list ng chess honors.

"This is my best performance so far. I played solidly and tactically which won me my final round match against Tan Yian Hau ," ani ng dating Barangay Malamig, Rizal Technological University Chess Team standout.

Si Suelo na aktibong miyembro ng International Churches of Christ (ICOC) sa Singapore dito ay pinangunahan ang Philippine team (Isaiah 40) para maghari sa Nanyang Racial Harmony Team Chess Challenge 2018 Open division na ginanap sa Nanyang Community Club dito sa Singapore nitong Hulyo 29.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Kabilang sa mga nakapasok sa top 9 ay sina Jimson Bitoon ng Pilipinas (5 points), Warren Lim ng Singapore (3.5 points), Filipino at United States chess master Almario Marlon Bernardino Jr. ng Pilipinas (3.5 points), Lincoln Yap ng Pilipinas (3 points), Deng Tiangle ng China (3 points), Revin Vasallo ng Pilipinas (3 points), Tan Chow Yin ng Singapore (2 points) at Tan Yian Hau ng Singapore (1.5 points).

Sa Challengers Section, ay nanaig si Filipino chess wizard Jayson Jacobo Tiburcio, primary 4 pupil sa Fernvale Primary School sa Singapore dito kontra kay Singaporean Ruben Ho sa last round tungo sa four-way tie sa first place.

Sina Tiburcio, Ho, Zhu Lehan at Ian Zachary Soon ng Singapore ay napagtala ng tig 5 points.

Ang nine-years-old na si Tiburcio na tubong Marikina City ay nakamit ang over-all championships trophy sa 11 years old and below category sa 2018 CAP International Youth Chess Open Championships nitong Agosto 16, 2018 na ginanap sa Taoyuan City sa Taiwan.

-Marlon Bernardino