ZAMBOANGA CITY - Mahihirapan na ang mga rice smuggler na maipagpatuloy ang kanilang operasyon n sa Zamboanga-Basilan-Sulu at Tawi- Tawi (ZamBaSulTa).

Ito ang babala ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro Lapeña nang bumisita ito sa Zamboanga City nitong nakaraang Sabado, sa pagdalo sa turn over ng 23,000 sakong puslit na bigas na mula sa Sandakan, Malaysia.

Ang nasabing bigas ay nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Maluso, Basilan, nitong Agosto 26.

Aniya, ang mga nasabing rice smuggler ay nag-o-operate sa Zamboanga- Basilan-Sulu at Tawi-Tawi (ZamBaSulTa).

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

"If we cannot stop it, we will minimized it. And we will do it very hard for the smugglers to their illegal activities in this part of the country," aniya.

Kaugnay nito, nakiusap si Lapeña sa mga smuggler na magtungo sa BoC office sa nasabing lungsod upang magbayad ng buwis "upang hindi na aniya sila tatawaging smuggler" na madalas habulin ng Philippine Navy at PCG.

"I would like to have this as a strong message to those that are importing rice as well as sugar to go to the BOC office in this city and pay their rightful duties and taxes," ayon pa sa opisyal.

-Nonoy E. Lacson